Tuesday, September 10, 2013

Wednesday, March 2, 2011

Divisoria Jeepney Blues

Hahaha! Ako nang TAMAAAAAAAAAAAD!
at bakit nga ba tamad? eh kasi naman sa huli kong post, nasabi ko na magpopost ako anytime soon diba? ang guess what, ang anytime soon ay umabot ng 2 months? EMEYZIIIIIING!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Anyway, maiba ako, may gusto ko lang itong i-share ngayon na nakapagbago ng tingin ko sa mga Pinoy Jeepney Driver na kadalasan ay kinasusuklaman natin ng lubos. Aminin niyo, galit na galit kayo dahil di sila nagbibigay ng discount minsan sa mga estudyaneng tunay like me, minsan nawiwindang si manong driver at nakakalimutan magbalik ng sukli na pagkakaibang piso lang ay matinding debate ang nagaganap, sa mga times na iniipit tayo na parang sardinas na pinagpipilitan niya na siyam-an daw pero dahil malulusog akong katabi mo, ipit na ipit na ang lahat lahat sayo at ang mga sigawan sessions niyo ni manong over sa topic na sa ka papara at kung saan nanggaling. Ganito kasi yung setting, kasali ako sa choir! OO maniwala kayo na kumakan....ta ako! Member nga ako ng Mapua Cardinal Singers hindi Concert, Cardinaaaaaal at ilang beses kong uulitin yun.(at malamang nagaaral ako sa Mapua diba?) at nagkaroon kasi ng time na kakanta kami sa isang bonggang celebration sa Mekete (Makati).

Kasi, yung costume namin, dapat black ang pangilalim ng barong, actually may nabili na ako na pangilalim pero dahil medyo tatanga tanga much lang naman po ako, naiwan ko siya sa BUS. OO sa BUS. Isa pa, sa BUS (for emphasis leng. haha). Madalas kasi pag umuuwi ako ng Pampanga ay nakakatulog ako at nakakalimutan ko minsan ang gamit ko (e.g. Ipod, charger ng cellphone at kung ano ano pa) EMEYZIIIING no? hahaha. Anyway, dumora (pumunta, hinango kay dora na lakwatsera) ako ng Divisoria ng umaga para maghanap ng substitute, kahit t-shirt lang basta may ipampalit and luckily nakahanap naman ako!

Pero ang katotohanan dito, ngayon pa lang magsisimula ang kwento!

Pabalik nako ng Intramuros at sumakay ako ng jeep, at yung jeep naman kasi na sinakyan ko, walang kalaman-laman, AS IN! Yung tipong ansarap sakyan dahil maluwag at kahit humiga ka pa sa upuan ay pwedeng pwede mong gawin dahil sa kaluwagan ng space! At syempre, sumakay ako sa harapan katabi ni manong driver. Ang isang bagay tungkol kay manong driver, mukha siyang mabaet at siguro sa itsura niya mga  late 40's siguro siya? Nagabot nako ng bayad kay manong driver at napupuno ng katahimikan ang paligid namin. Eto yung mga moments na ang Manila sa umaga ay di gaano kaingay, parang napakapeaceful ba? (o dahil sabado lang nun?) Until nagstop ang jeep sa isang stoplight. Biglang sumabit ang isang bata sa jeep, mga 6 years old lang siguro siya na napansin naman ni manong driver at ako. Si Manong Driver naman, eto lang nasabi niya:

"Sumakay ka na sa loob tutal walang tao keas mahuli ako ng pulis dyan!"

At ang bata naman sumunod kay manong driver at umupo nga sa dulong part ng jeep ung bandang likod na inuusugan natin kapag may bumababa sa jeep. At after ng ilang mga kanto, tumigil ulit ang jeep at biglang tumayo ang bata sa kinauupuan niya at bumaba ng jeep at sabay sabi kay manong driver na: "Salamat po!" sabay ngiti at takbo. Tuloy pa rin ang takbo ng jeep pero this time, napatigin ako sa driver, base sa mukha niya, naluluha siya at ang bagay na nanggulat sakin ang sinabi ni manong driver:

"Siguro kung buhay pa ang anak ko at nasa kalye lang siya dahil walang pamasahe, may jeep kaya na magsasakay sa kanya?"

Hindi nako umimik, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, masiyahin akong tao pero parang nakakaramdam ako ng awa kay manong driver. At di nagtagal bumaba nako sa jeep at papunta na sa eskwelahan ko at nasa isip ko, na napakabait naman ni manong driver, ginawa niya ba yon dahil parang nakikita niya ang anak sa batang iyon? At magmula noon, nagiba na tingin ko sa mga driver. Tao rin lang naman pala sila.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Saturday, January 1, 2011

First Post sa Unang araw ng 2011 :))

Okaaaay! Oo! Sinakto ko talaga ang panahon ng New Year (WOOHOO!) para gumawa ng blog! Pero bago sa lahat, magpapakilala muna ako ng wagas, ako po si Vernon! Isa akong normal na tao na nakikita niyo araw araw na pakalat-kalat kahit saan in short, lakwatsero. Mahilig akong magkwento at magsabisabi, yung tipong pwedeng makipaglaban sa mga tsimosa sa daan at sa pabilisan ng salita na halos wala ka nang maiintindihan pero alam mo na nagsasalita ako. Ako ay isang kapampangan na kasalukuyang nagaaral sa Maynila para maghasik ng lagim at mag PARTEEEEEH! Haha, joke lang  pero masipag ako na kumaen at manghalay magaral! XD

Bakit nga ba nagsimula ako ng isang blog?

Matagal ko nang gustong gumawa ng blog, gusto kong magkwento at magkwento at saka magkwento ng mga bagay bagay sa buhay ko, mga nararating ko, mga nakikita ko at kahit anong kaweirdohan na nakikita ko at nararanasan ko araw araw. Gusto ko ring manlait ng kahit ano mang nakikita ko sa Facebook at sa kahit anong site dito sa internet dahil lumaki ako sa piling ng aking mga mapanlait na ama at ina! Hindi ba masaya ang feeling kapag pinaparamdam mo sa ibang tao ang isang kasiyahan at kung ano ano mang pakiramdam? Kung hindi ang sagot mo, edi hindi, ano nga ba magagawa ko? At kung OO naman, apir tayo sabay YEHEY! Pero I assure you gagawin kong masaya ang blog na ito pero di lang ito puro kasiyahan at kabaliwan pero most of the time ganun kundi isang blog na magpapalambot ng puso niyo.

Hanggang sa susunod kong post na feeling ko ilang minuto lang from now!

--PAPAPAVERNON :3